Warning. This blog contains scenes, language and images that may not be suitable for people suffering from hypertension, diabetes, anemia, indigestion and diarrhea. Strict Parental Guidance is strongly recommended.
Friday, August 15, 2014
Jeepney
Ang init naman. Dugyut na ko sa kakapawis, kulang pa ako sa tulog. Buti na lang naka-shades at cap ako, kahit papano naitatago ko ang pagka-haggardo versoza ko. Ang ingay ingay pa nila ate sa harap ko. 'Te, wag mo nang iparinig yong nangyari sa 'yo kanina sa palengke. Di kami interasado.
Si Manong driver naman kasi, ayaw pang umusad. Isang tumbling na lang kuya bababa na ako. Alam kong kelangan mong kumita pero kelangan ko rin pong umuwi para maipagpahinga na ang aking...
Sheet. Cute ni kuya. Sakay ka na, maluwag pa dito. Kasyang kasya ka pati sa puso ko. Mukhang bagay pa naman tayo. Naka-shades din ako, mukhang mas mahal nga lang yang sa 'yo. 'Tong sa kin sa bangkete ko lang 'to nabili nung isang linggo.
O ayan aakyat na. Lola don ka sa dulo. Naka-reserve na 'tong sa tabi ko para kay kuya guwapo. Kuya dito ka na umupo. Tabi tayo. Yes!
Bango mo naman. Amoy Safeguard na green. Yan din sabon ko. San ka bababa? Sana sa 19th din.
"Boss, bayad. Housing lang."
Ay... mauuna pa akong bababa sa 'yo. Kalahating kilometro na lang bababa na ako. Di ko pa nga alam name mo, civil status, edad, complete address, shoe size, favorite color at kung may chance ba ako sa yo.
Pero alam mo. Pag naging tayo, busog ka sa kin lagi. Sarap ko kayang magmahal. Magaling pa akong magmasahe. Tanggal pagod mo sa magical touch ko. Tapos lalabhan ko pa mga damit mo. Ipagluluto din kita ng favorite mo. Sana mahilig ka sa sunny side up, yan lang kasi ang nape-perfect ko (hehe).
Usog ka pa dito. Yan lapit ka pa sa kin para close tayo. Gusto mong mag-holding hands? Ako hindi lang holding hands ang gusto ko. Gusto na kitang iuwi sa bahay at ipakilala sa parents ko. Wag ka lang mailang sa tatay ko. Mahilig lang talaga yon manutok ng baril. Dati kasing pulis. (Peace tay)
Traffic. Yeeeeeeeesssss!
Dati palagi akong naba-bad trip pag matrapik dito sa C-5 kasi anlapit lapit ko na lang pero naii-stuck pa ako sa traffic pero ngayon, ipagdadasal ko na sana forever nang matrapik dito para forever na din ako sa tabi mo. Andami ko pa namang plano para sa ating dalawa. Gusto ko papatayo tayo ng bahay sa gitna ng bukid sa Bulacan para wala tayong kapitbahay at masosolo kita palagi. Tapos mag-aalaga tayo ng mga baka, baboy, kabayo, manok, shokoy. Sige aso na rin kung yon ang gusto mo. Wag lang Siberian husky at baka di yon sanay sa bukid.
Oy bhe natulo na pawis mo. Pupunasan ko ha? Wala nga pala akong panyo dito. Papaypayan na lang kita. Ayoko pa namang naiinitan ang mahal ko... My god, mahal na kita. Mahal mo din ba ako? Pag minahal mo ako di ka magsisisi. Kaka-open ko lang ng savings account sa BDO kaya secured na ang future mo at ng mga magiging ampon natin. (di ko kaya magbuntis, sorry)
Waaaah! Malapit na akong bumaba. Natatanaw ko na ang bintana ng kapitbahay namin. Ano number mo para matext kita. Papaloadan pa kita kung wala kang pangreply. Wag ka namang suplado. Feeling ko pa naman may future tayo. Ayaw mo ba ng commitment? Sige payag na ako kahit friends na lang. Basta may benefits: emotional, intellectual, spiritual at physical benefits.
Ayokong pumara. Derecho na rin kaya ako ng Housing para hatid kita at mahaba haba pa ang bonding natin. Feeling ko kasi talaga may spark tayo. Na-feel mo rin ba yon?
"Para"
Ay pucha, sino yon? Manong driver wag mong ihinto 'tong jeep mo. Nasa gitna tayo ng kalsada. Derecho tayo ng Housing. Manong wag kang huminto, wag... Shit ka manong.
Pano yan bhe. Hanggang dito na lang ako. Basted naman ako sa yo eh. Sana makakita ka ng mas higit pa sa kin. Yong mamahalin ka kahit sa panaginip niya. Kasi ako, mahal na mahal na kita sa sampung minuto na nagkadikit ang malaki mong braso sa balikat ko. Take care ka lagi ha coz I care.
Ops lumingon sya. Smile naman diyan. Kainis ka. Guwapo guwapo mo talaga. Hatid na lang kita ng tingin. Ba-bye...
Hay... sayang si kuya. Cute sana. Makauwi na nga. Teka, nasan wallet ko?
Ay pucha!
Subscribe to:
Posts (Atom)